Print Page   |   Contact Us   |   Report Abuse   |   Sign In   |   Register
News: Advocacy News

Filipino Mechanical Engineer Recycled Plastic Garbage to School Chairs

Sunday, 24 February 2019   (0 Comments)
Posted by: PSME Startups Group
Share |

Isang resourceful engineer mula sa Southern Philippines ang nadiskubre ang isang paraan upang i-recycle ang mga basurang plastic, na gawing cute na mga school chairs ang mga basura. Sa paraang ito, nagagawa nyang i-save ang mundo at pagtulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga upuan para sa mga paaralan.

Ang Pilipinas ay nagtatapon ng 6875.84 toneladang plastic araw-araw, ayon sa United Nations Environment Programme, ang mga basurang plastik na ito ay nagdudulot ng pagbabara sa ating mga ilog at pagdudumi ng mga baybaying dagat.

Sa pag-asang matapos ang problemang ito, Winchester Lemen, isang mechanical engineer mula sa Davao City, Philippines, ay nagsimula sa isang pagsisikap upang makahanap ng isang paraan upang i-recycle ang isa sa mga mahirap na bagay na i-dispose sa ating planeta, ang plastic! Si Winchester ay nagpapatakbo na ngayon ng isang proyekto na Envirotech Waste Recycling, isang proyekto upang ang mga basurang plactic ay gagawing upuan.

Isa pa sa nakakamangha tungkol dito ay “its hitting two birds with one stone”, ang proyektong ito ay hindi lamang napapababa ang bilang ng mga mismanaged plastic waste na kung saan ay nasa 81% ng 6875.84 toneladang basurang plastic ngunit kapaki-pakinabang din sa mga batang nasa paaralan.

Ang proyekto ay gumagana sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga basurang plastik, pagkatapos, ito ay ginugutay-gutay, nililinis, tinutunaw at sa huli ay minomolde. Pagkatapos nito, ang mga upuan ay inaassemble, pinapakinis at pinipinturahan.

Hindi lang ang mga upuan ang nakakatulong sa kapaligiran kundi ang itsura nito na napaka-cute, na halos lahat ay gugustuhing umupo dito.

Ito ay nagsimula nang mayroong isang taong bumisita sa kanyang planta at nagtanong kung may paraan bang magagawang isang bagay sa recycled plastic. Pagkatapos ng pagbisita na iyon, sinimulan ni Lemen ang pag-iipon ng mga basurang plastic upang matunaw ang mga ito at maging mga prototype.

Nang matapos ang isang produkto, ipinakita niya ito sa nasabing bisita at sa kanyang pagkabigla ang bisita ay nais magpagawa ng isang order ng 200 na upuan.

“Little did I know that he showed the chairs to Quezon City Mayor Herbert Bautista. After that, they created a ‘Green Fund’ for this particular project,” pahayag ni Lemen sa SmartParenting.

“We are saving a three-year-old tree, which is used to manufacture school chairs, for every plastic chair that we make using recycled plastic waste,” dagdag pa ni Lemen.

Read more..
https://www.facebook.com/winderrecyclingcompany/

Source: Winderrecyclingcomp